Wika ng Pagkakaisa o Pagkakaisa sa Wika?

by Amaryllis Tiglao-Torres of PSSC —

Ang unang limbag ng Social Studies Corner ay naka-alay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, na idinaraos mula sa ika-1 hanggang sa ika-31 ng Agosto kada taon. Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa initanakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s.1997. Sa taong 2014, ang paksang-diwa ay “Wika ng Pagkakaisa.”

Nuong mga nakaraang buwan, maigting ang usap-usapan tungkol sa CHED Memorandum Order No. 20, s. 2013, na may pamagat na “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies.” Ayon sa nakasaad sa CMO Blg. 20, “the GEC will be reduced to a minimum of 36 units, distributed as follows: 24 units core courses, 9 units of elective units; and 3 units on the life an works of Rizal. The general courses may be taught in English or Filipino.”[1] Ang mga asignatura sa Filipino ay maisasama na sa mga kursong kukunin sa mga gradong 11 at 12, ang dalawang taong dinagdag sa pag-aaral sa mataas na paaralan.

Para sa mga kritiko ng CMO Blg. 20, ang probisyung ito ay magiging balakid sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.  Ayon sa mga propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas, ang wikang Filipino’y hindi lamang para sa kumunikasyon. Ito’y “isang mabisang instrumento para sa paghubog ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa kolehiyo.”[2] (Rodriguez, 2013)Sa kanilang pagpuna, para bang binaliwala na ng CHED ang panlipunang pagpapahalaga sa wikang Filipino.

Bukod sa nakikitang implikasyon ng CMO Blg. 20 sa paghubog ng kaisipan, and pagtanggal ng pagtuturo ng Filipino sa General Education Program ay may epekto rin sa paghahanapbuhay ng mga guro ng Filipino, lalo na sa mga kolehiyo o unibersidad na walang programang batsilyer sa Filipino. Ang trabaho nila’y nasa panganib, sapagka’t wala na silang tuturuan. Maaari silang magturo sa grades 11 o 12, sa high school, subalit hindi pa malinaw ang mga mekanismo para rito.

Tugon ni Dra. Patricia Licuanan, Chairperson, Commission on Higher Education, hindi naman daw ini-aalis ang Filipino sa pagtuturo sa unibersidad. Batay sa mga konsultasyung pampublikong idinaos ng CHED, naaprubahan na ang rekomendasyon ng Technical Panel na kinakailangang ituro sa wikang Filipino ang hindi bababa sa 9 units ng mga kurso sa General Education. Kung minamarapat daw ng paaralan, maari ring ituro ang kabuuan ng GE Curriculum sa Filipino. Idinagdag niya, “Research and publication on and in Filipino will continue to be supported in key institutions to further enhance the capacity of the language for intellectual discourse.”[3] Tungkol naman sa pagkawala ng trabaho ng kaguruan ng Filipino, pinag-aaralan na ng CHED ang mga alternatibong solusyon, kasama na ang DEPED, DOLE, at iba pang mga ahensiya.

Ang debate tungkol sa pagpapahalaga sa wikang pambansa ay may mahabang kasaysayan.

 


 

[1] (CHED, 2013)

[2] (Rodriguez, 2013)

[3] (Licuanan, 2014)

 

 

References

Commission on Higher Education(2013). CHED Memorandum Order No.20, Series of 2013. Retrieved from Commission on Higher Education Web site: http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/CMO-No.20-s2013.pdf

Licuanan, P. (2014, June 23). On the removal of Filipino and Filipino teachers from the New General Education Curriculum (Press Statement). Retrieved from Commission on Higher Education Web site: http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2014/temp/CHED-Statement-on-Filipino.pdf

Rodriguez, R. B. (2013). Introduksyon para sa Daluyan. Daluyan , 20, 1-11. (Unpublished)

 

Additional Resources

Bautista, M. L. (1988). The parameters of intellectualization — application to Filipino. Philippine Journal of Linguistics , 35-44.

Carreon, E. S. (1988). The parameters of discourse and research in Filipino. Philippine Journal of Linguistics, 27-33.

Corpuz, O. (1989). The roots of the Filipino nation, vol. 2. Quezon City: Aklahi Foundation, Inc.

Gonzales, A. (1988). The intellectualization of Filipino: Agenda for the twenty-first century. Philippine Journal of Linguistics, 3-6.

Gonzales, A. F., & Bautista, M. L. (1985). Language surveys in the Philippines (1966-1984). Manila : DLSU Press.

Gonzalez, A. B. (1980). Language and nationalism: The Philippine experience thus far. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Hornedo, F. H. (2004). Literatura, guro, bansa: Mga kuwadradong konseptwal para sa pagtuturo ng literatura at ilang panayam tungkol sa kalinangan at wika. Manila: University of Santo Tomas Publishing House.

Johnson, R. E. (1996). A bibliography of Philippine linguistics. Manila: Linguistic Society of the Philippines.

Llamzon, T. A. (2001). Intellectualization of Filipino: An Update. Philippine Journal of Linguistics, 17-29.

Schumacher, J. N. (1996). The making of a nation: Essays on nineteenth-century Filipino nationalism. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Sibayan, B. P. (1988). Terms and points of reference in intellectualization with particular reference to Filipino. Philippine Journal of Linguistics, 7-12.

Sibayan, B. P. (1999). The Intellectualization of Filipino. Manila: The Linguistic Society of the Philippines.

Sibayan, B. P., & Gonzales, A. (1999). The Intellectualization of Filipino. In B. P. Sibayan, The Intellectualization of Filipino: and other essays on Education and Sociolinguistics (pp. 447-457). Manila: The Linguistic Society of the Philippines.

 

 

Resources from Sentro ng Wikang Filipino

“Interconnected Chaos in College Education” by Rebecca T. Añonuevo

Katipunan ng mga Gurong Filipino para sa Bansang Pilipino (ORYANG) press statement to the implications of CHED’s K-12 program (RA 10533) to educators, especially the Filipino teachers.

“UP-SWF Pambansang Seminar sa “Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Tersyari: Mga Hamon ng Bagong Patakaran at Programa sa Edukasyon (k-12, MTB-MLE, at iba pa)”Pulungang Recto, Bulwagang Rizal, 17-19 Oktubre 2013, Sintesis” by Mary Jane Rodriguez-Tatel

Introduksyon para sa Daluyan” by Rommel B. Rodriguez (unpublished)

“Many Voices, One Nation: The Philippine Languages and Dialects in Figures” by Jose Ramon G. Albert, Ph.D.